Linggo, Nobyembre 14, 2010

Wag agad Manghusga

                Lahat ng bagay dito sa mundo ay nilikha ng Diyos ng pantay-pantay. Walang mataas at walang mababa.

                Kung ako man ang tatanungin hindi natin kailangan husgahan ang isang tao sa kanyang katayuan sa buhay. Dahil kahit ano ang katayuan natin sa buhay ay tao parin tayo at may katungkulan tayo sa bawat bagay dito sa mundo. Ito ang napakahalagang regalo ng Diyos sa atin,ang buhay. Hindi tayo nilikha para lamang magmataas at  manghusga sa ating kapwa. Marahil maraming mahirap ang namumuhay dito at maaaring tayo ay mayaman, pero hindi iyon ang dahilan para husgahan natin ang ating kapwa na mas mababa sa atin. Hindi rin dapat natin tingnan ang isang tao sa kanyang katayuan sa buhay, kundi ay maging totoo at tapat tayo sa kanila, dahil sila ay ating kapwa tao. Kung tayo man ay magaling manghusga, mas maigi kung kilalanin muna natin ang ating sarili. Dahil baka sa bandang huli tayo rin ang magsisi. May kasabihan nga na mas mabuti ng maapi kaysa ikaw ang mang-api.

               Ang panghuhusga ay hindi basta-basta dahil lahat ng ito, alam kong merong nakalaan na kapalit.

1 komento: